^

PSN Opinyon

Mga bubuyog mahilig maglaro ng football

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Naglalaro ang mammals at mga ibon. May pamantayan ang mga mananaliksik sa pagsabing naglalaro sila: hindi para kumain, kumubli o mag-mate; boluntaryo, biglaan at kinagigiliwan; umuulit-ulit pero paiba-iba; at tila kaaya-aya kapag relaxed sila.

Pati pala bubuyog naglalaro. Natuklasan ito nina Dr. Lars Chittka at PhD student Hiruni Samadi Galpayage Dona ng Queen Mary University-London. Linathala ang saliksik nila sa Animal Behaviour.

Unang napansin ni Dr. Chittka ang paglalaro ng bubu­yog sa ibang eksperimento. Sinanay niya sila gulungin ang mga bolang kahoy para bigyan ng pagkain. Nakita niya na ginugulong-gulong nila ang mga bola maski busog sila.

Dito pumasok si Galpayage Dona. Naglagay siya ng 18 bolang kahoy sa playground ng bubuyog. Siyam doon ay pirming nakadikit sa sahig. Siyam ay maaring gulong-gulungin. Binalot ang mga ito ng clear plastic para mahugasan araw-araw at matanggal ang kumapit na amoy.

Minarkahan ni Galpayage Dona ang 45 bubuyog na edad isa hanggang 23 araw. Sinundan ang kilos ng bawat isa. Tatlong linggo sila pinapasok sa playground, tatlong oras bawat araw.

Nakuha sa bidyo na naglalaro nga ang mga bubuyog. Parang football. Kakapit ang unang dalawang paa sa bola. Tapos, papatong ang apat pa at ginugulong ang bola paatras. Paulit-ulit sila dito.

Lahat ng 45 bubuyog ay naglaro. Karamihan ay mahigit isang beses. Isa sa kanila ay 117 beses sumakay sa bola. Lahat-lahat, 910 beses sila na-video na nagpapagulong ng bola. Katunayang nais lang nila maglaro, maaga nilang natutunang iwasan ang bolang nakadikit sa sahig. At tulad ng sa mammals at ibon, mas malimit maglaro ang mga batang bubuyog kaysa matanda. (Mula sa Economist)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

HIRUNI SAMADI GALPAYAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with