^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming batang Pinoy ang hindi nababakunahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming batang Pinoy ang hindi nababakunahan

NOONG nakaraang taon, ni-report ng United Nations­ International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na 1-milyong batang Pinoy ang hindi pa nakatatanggap ng kahit isang dose ng anumang “childhood vaccine” dahilan para mapasama ang bansa sa may pinakamara­ming bilang ng zero dose children sa buong mundo.

At nakapagtataka, na hanggang ngayon, ganito pa rin karami ang mga batang Pinoy na walang bakuna kahit single dose ng childhood vaccine. Sabi ni UNICEF Phi­lippines immunization specialist Carla Orozco mara­ming bata ang hindi nababakunahan sa DPT (diptheria, pertussis and tetanus) o pentavalent 1 na mahalagang basic childhood vaccines. Ang bakunang ito ayon kay Orozco ang magpuprotekta sa mga bata laban sa mga mapanganib na sakit gaya ng diptheria, pertussis, tetanus, hepatitis B at influenza.

Ayon pa kay Orozco maraming dahilan kaya hindi nababakunahan ang mga bata. Ilan dito ang hindi ma­gandang sistema ng pamumuno. Kakulangan ng mga immunization coordinator at mga mamamahala sa bawat level ng health system. Isa sa matinding sinabi ni Orozcon na dahilan ay ang kawalan ng suporta ng local officials na may kaugnayan sa immunization.

Kabilang din sa mga sakit na karaniwang kumakapit­ sa mga bata ay ang polio at tigdas. Noong 2021, ang Pilipinas ay napabilang sa mga bansa na ang mga bata ay zero dose laban sa tigdas. Top 7 contributor ang Pili­pinas sa pinakamaraming bilang ng batang walang proteksyon sa tigdas. Noong nakaraang taon, batay sa 2022 risk assessment ng World Health Organization­, lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay “high-risk” para sa measles outbreak. Dahil diyan, sinabi ng Department of Health na posibleng mangyari ang naturang outbreak sa Pilipinas sa 2023 (ngayong taon) kung magpapatuloy na mababa ang bilang ng mga batang nagpapabakuna.

Noong Hunyo 2021, natapos ang polio outbreak sa bansa matapos mabakunahan ang nasa 11 milyong bata. Gayunpaman, 1.5 milyon pang iba ang hindi naka­tatanggap ng kanilang polio vaccine. Mahalagang mabakunahan ang mga bata laban sa sakit na ito. Sa 81 probinsya ng bansa, 67 ang sinasabing high-risk sa nga­yon para sa polio infections habang 71 sa 96 naman ito para sa mga lungsod.

Ang polio ay labis na nakahahawa at maaaring mauwi sa pagkabaldado o kamatayan. Itinuturo pa rin ng mga dalubhasa ang kumpleto at napapanahong pagpapa­bakuna bilang pinakaepektibong paraan upang malabanan ang naturang karamdaman.

Sikapin ng pamahalaan na mabakunahan ang mga bata laban sa mga mapanganib na sakit. Unahin ang kanilang kapakanan. Dagdagan ng DOH ang mga tauhan­ na mag­babakuna sa mga bata lalo ang mga nasa liblib na lugar.

vuukle comment

UNICEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with