(Unang Bahagi)
KASO ito ng SMMSC, isang labor union. Ang unyon ay binubuo ng 169 empleyado (rank & file) mula sa kabuuan na 528 empleyado ng kompanyang MSC. Lumalabas na 32% ng mga empleyado ng kompanya ang kasapi ng unyon kaya’t lampas na ito sa hinihingi ng batas (Art. 234 Labor Code) na 20% ng mga miyembro ang kailangan upang maparehistro bilang isang legal na unyon. Nagsumite ng papeles ang SMMSC upang maparehistro. Noong Mayo 4, 2005, pinagbigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang aplikasyon ng SMMSC matapos makapagsumite ng dokumento ang unyon.
Noong Hunyo 14, 2005, nagsumite ng petisyon ang MSC upang mapakansela ang pagkakarehistro ng SMMSC dahil hindi raw nito nasunod ang 20% hinihingi ng batas. Bilang patunay, nagsumite ng de-kahong salaysay ang MSC galing sa may 102 empleyado. Binabawi na nila ang pagsapi nila sa unyon.
Pare-parehong nakasaad sa salaysay na nagdadalawang-isip ang nasabing mga miyembro sa pagsali sa unyon. Napilitan lang daw at pinuwersa silang sumali. Hindi naman nila inamin kung sino ang taong namilit sa kanila upang sumali sa unyon at kung paano nangyari na napuwersa at nadaya silang sumali. Ang sumunod na nakasaad sa kanilang salaysay ay ang pagsisisi nila sa pagkakasali sa unyon at ang pagtalikod nila sa anumang pinirmahan nila bilang miyembro.
Ang unang grupo ng mga salaysay ay ginawa ng may 25 empleyado magmula Mayo 26 hanggang Hunyo 3, 2005 ngunit sabay-sabay na ninotaryo noong Hunyo 8, 2005. Ang sumunod na 77 sa laysay naman ay ginawa magmula Mayo 26 hanggang Hulyo 6, 2005 pero ang petsa rin ng notaryo sa 56 na salaysay ay Hunyo 8, 2005. Ang natira ay iba’t iba na ang pet-sa ng notaryo. Ang unang grupo ng mga salaysay ay isinumite sa DOLE noong Hunyo 14, 2005 samantalang ang natira ay isinumite no- ong Hulyo 12, 2005.
Noong Agosto 26, 2005, naglabas ng kautusan ang DOLE Regional Director, pinagbigyan nito ang petisyon ng MSC at binawi ang pagkakarehistro ng SMMSC.
Inalis ang pangalan nito mula sa listahan ng mga aktibong union. Ang utos ay binawi ng Bureau of Labor at sinuportahan ito ng Court of Appeals.
Kinuwestiyon ng MSC ang desisyon ng CA. Pinipilit nito na dahil sa pagtanggal ng 102 empleyado, hindi nakatupad ang SMMSC sa kondisyon ng batas na 20% ang dapat na miyembro. Tama ba ang MSC?
(Itutuloy)