Simbisa daw ng Medisina.

TRABAHO ko ang mag-imbestiga. Hindi ako nagpapa­niwala sa mga herbal food supplement na gustong palabasing simbisa ang mga ito ng medisina!

Marami ang mga naglalabasang herbal food supplement na gumagamit pa ng mga kilalang personalidad bilang endorser.

Huwag basta magpapaniwala sa kanilang mga pata­lastas sa telebisyon, radio, diyaryo at maging sa mga billboard sa lansangan hinggil sa mga produktong ito.

Gusto kong linawin na may tinanggap akong hamon ng isang herbalist. Gusto niya yatang patunayan na halos simbisa na ng medisina ang kaniyang herbal?

Ipinagmamalaki yata ng taong ito na marami nang su­mubok ng kaniyang herbal food supplement? No approved therapeutic claim? Subalit gumagaling daw ang kanilang mga karamdaman?

Patuloy naming iniimbestigahan ang mga pasyenteng pinayuhan na ng duktor na putulin na ang kanilang paa, o hinlalaki sa paa dahil sa malubhang sugat na dulot ng      diabetes. Minamanmanan namin ang mga katauhan ng mga nasabing pasyente. Hindi puwedeng makita, maka­usap o magkaroon ng anumang kaugnayan ang mga ito kay Rey Herrera.

Sa loob lamang ng 90 days, titingnan namin ‘yung iba pang mga natitirang pasyenteng tinututukan namin.

Titingnan namin kung totoo ngang mapapagaling ang mga ito. Patuloy kaming magbibigay ng update.

Gusto naming linawin na kapag kayo’y nanood ng aking programa, ang BITAG Live sa UNTV, hindi batayan ang anumang resulta mula sa mga pasyenteng uminom at gumaling daw.

Dalawa na sa mga tinutukan naming pasyenteng pina­puputulan na ng paa ng kanilang mga duktor, “gumaling” sa tuluy-tuloy na pag-inom    ng REH Herbal sa loob ng     90 days.

Napag-alaman namin na ilan sa mga nanood na may pa­ rehong karamdaman, bas­ta na lang nagdesisyon at iti­nigil    ang kanilang mga medi­sina    na reseta ng kanilang duktor.

Huwag na huwag kayong mag-“self medicate” o mag­ desisyong palitan ang inyong mga iniinom na niresetang medisina kapalit ng herbal na’to. Komunsulta muna sa inyong mga duktor.

Walang masama kung kayo’y susubok na uminom ng kaniyang herbal. Subalit pina­ payuhan namin kayo, na ito’y food supplement lamang, no approved therapeutic claim.

Show comments