NABULILYASO ang ikinasang operasyon ng Optical Media Board o OMB nitong Miyerkules ng hapon sa Maynila.
Isa sanang establisimento na mayroong replicating machines ng pirated VCD’s at DVD’s ang kanilang lulusubin.
Malaki ang inihandang operasyon na ito ng OMB dahil ayon kay OMB Chairman Rickets, ang mga replicating machines na kanilang target ay kayang gumawa ng sampung libong piniratang VCD at DVD sa loob ng isang oras lamang.
Apat na araw daw nilang sinurveillance ang nasabing establisyamento sa Maynila at positibong nakita ang mga replicating machine.
Masuwerte namang BITAG ang personal na inimbitahan ni OMB Chairman Ronnie Rickets upang magdokumento ng nasabing operasyon.
Maganda at maganda ang proseso mula sa pagpaplano hanggang sa pagconvoy ng pitong sasakyang lulan ng mga operatiba ng Philippine National Police at OMB Strike Force.
Subalit sa di inaasahang pangyayari, nabulilyaso ang plinanong operasyon. Mukhang nakatunog ang target, may paniwala si OMB Chairman Rickets na may tumimbre.
Hindi maiiwasang mangyari ang mga ganitong ekse na kung saan kasado na ang lahat, bagaman may mga nauna nang impormasyong napatunayan subalit kapag nagkatimbrehan nauuwi ang operasyon sa pagkabulilyaso at pagkapurnada.
Kinabukasan, Huwebes ng hapon ay isang tawag mula kay OMB Rickets ang muling natanggap ng BITAG.
Binalikan raw nila ang nasabing establisimiyentong may mga re-plicating machine.
Ang kanyang ma-gandang balita, muling nagpositibo kung kaya’t tinuluyan na nilang isinawaga ang strike operation na naunsiyami noong Miyerkules ng Hapon.
Ang buong detalye, mapapanood sa BITAG bukas ng alas-9 ng gabi sa IBC 13.
Abangan!