Uunlad kaya kung relihiyoso ang presidente ng bansa?

MASAMA na nga yata ang kalagayan ng Pilipinas kaya tatlong religious leaders ang nagpaplanong kumandidato sa 2010. Ang tatlo ay sina Pampanga Gov. Ed Panlilio na isang paring katoliko; Bro. Mike Velarde, lider ng El Shaddai Movement na umano, may 11-milyong miyembro at si Bro. Eddie Villanueva, lider ng born-again Jesus is Lord Movement at ng Bangon Pilipinas Party. Pangala­wang ulit nang tatakbo si Villanueva sa pagka-presidente. Natalo siya noong nakaraang presidential elections.

Parang pinagtiyap ng pagkakataon ang paglulun-     sad ng kandidatura ng tatlong religious leaders sa 2010 elections. Ayon sa kanila, gusto nilang makatulong na maibalik sa mabuting kalagayan ang bansa at tulungan ang bawa’t Pilipino na matagal nang nakalugmok sa hirap. Nagiging tuksuhan tuloy sa mga pagtitipon na maaaring tunay na ngang napakasama na ng kinalalagyan ng Pilipinas kaya mga alagad na ng Diyos ang kinakailangan upang maha­ngo ang kalagayan ng mga Pilipino.

Tanong ko lang, may kasiguruhan kaya na bubuti ang kalagayan ng Pilipinas sakali at isa sa religious leaders       ang maging presidente ng Pilipinas? Guarantee ba ang pa­ giging religious leader para maging epektibong presi­dente?

Hindi pa diumano pinal ang pagkandidato ng mga nabanggit na religious leaders. Sana nga mapag-aralang mabuti ng mamamayan ang mga kandidato lalo na ang mga tatakbong presidente. Dapat mapag-aralan ang taong mamumuno sa bansang ito. Hindi naman nasusukat ang galing ng isang tatakbong presidente dahil nagsi­simba siya araw-araw. 

Show comments