Tinawag ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na “unscrupulous” at “marauders in the night” ang mga congressman na nakibahagi sa pagpasa ng House Resolution 1109, ang panukalang pagtawag ng “con-ass” para mag-Cha-cha. Ang deklarasyon ni Lim ay ang pagtunog ng kampana upang buong kamaynilaan ang gumising na at lumaban sa hayagang pang-aabuso ng House of Representatives.
Lantad sa lahat ang sentimyento ng Manilenyo sa usaping Cha-cha. Tulad ng malaking mayorya ng Bansa, ayaw naming pasukin ito sa ngayon. Hindi lang ang mga national survey tulad ng SWS at Pulse ang kumumpirma rito – maski ang mga local community surveys sa May-nila ay sumasalamin sa kagustuhan ng lahat ng Pili- pino. Alam ito ni Mayor Lim kung kaya’t lalong tumitindi ang kanyang determinasyon na tumutol, hindi lang para sa kanyang sarili kung hindi para na rin sa ikasisiya ng kanyang mga kinasasakupan.
Alam din ito ng mga congressmen ng anim na distrito ng Maynila. Lahat naman sila’y laman ng lansangan at napapakinggan ang pagkamuhi ng tao sa Cha-cha, lalo na sa ganitong makasariling pamamaraan. Sa kabila nito, lahat sila, all 6, ay nagmamalaki pa ring sumakay sa tren ng con-ass na ni-railroad sa House. Sa kalaliman ng gabi, na halos katapusan na ng termino ng administrasyon; kahit walang pagkaunawaan sa detalya ang mga may panukala at walang pagkakataong pagdebatihan ng masisinsinan.
Higit sa lahat, ang ipinipilit nilang argumento – na kaya gawin ng House kahit mag-isa ang pag-amyenda ng Saligang Batas – ay ulila sa katwiran at sa batayan. Ngunit tumuloy pa rin ang aming “Gang of 6”.
Masisisi ba ang Maynila kung maghinala? Kaya nabibigyang laman ang mga paratang na 20 Million; kaya sinisiryoso bigla ang pag-amin ni Raul Gonzales na maaring tumakbo si GMA sa 2010.
Libu-libong tao ang kusang sumugod sa Makati “tindig nation” rally nung Miyerkules, galit sa pang-abusong ginawa ng House. Hanggang kailan magbibingi-bingihan ang ating mga halal sa napakaingay na daing ng ma-mamayang nagtiwala sa kanila?
6 MANILA CONGRESSMEN GRADE: 20