MATAPOS ang apat na buwang pagpupuyos ng kalo-oban ng mga residente ng Sitio Gabitanghan, Barangay Taclobo, San Fernando, Sibuyan Island, Romblon, muli silang nakitaan ng sigla nang matiyak na ligtas na ang kanilang karagatan sa lason dahil sa paglubog ng Princess of the Star ng Sulficio Lines.
Isa ako sa mapalad na nakarating sa lugar nang magkaroon ng misa ng pasasalamat sa pag-ahon ng mga nakakalasong kemikal na karga ng lumubog na barko. Halos lahat ay napangiti nang kanilang makita ang wa lang humpay na pagsusumikap at pagtutulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) Harbor Star at ng Sulfi-cio Lines na maiahon ang mga kemikal.
Sa ngayon, nakatutok naman ang atensyon ng mga diver sa paggalugad sa loob ng barko upang makuha ang mga pasaherong na-trap doon, kaya’t sa mga darating na mga araw ay maaari na silang mangisda sa karagatan.
Halos apat na buwan silang hindi nakapalaot mata-pos ipagbawal ng pamahalaan ang pangingisda kaya karamihan sa mga residente rito ay nakaranas ng gutom. Ang mamamayan ng San Fernando ay tanging pangingisda ang ikinabubuhay kaya nang magkaroon ng trahedya sa lugar, nawalan na sila ng hanapbuhay. Sino ba naman ang mangingisda kung wala namang bibili o ka-kain ng kanilang mga huli.
Ngunit ngayon na unti-unti nang nalilinis ang kara-gatan ay muli na naman silang babalik sa kanilang hanapbuhay at makakaahon sa kahirapan.
Bilang pasasalamat sa pag-alis ng lason sa kanilang karagatan, nagkaroon ng misa ng pasasalamat. Ang misa ay inorganisa ni San Fernando Mayor Nanette Tansingco sa tabing dagat na abot tanaw ang barkong nakataob.
Dumating din sa naturang misa sina PCG Commandant Wilfredo Tamayo, Transportation Undersecretary Maria Elena Bautista, head ng Task Force Princess of the Star; Dr. Eric Tayag, chief of the Department of Health’s National Epidemology Center at Dr. Renato Bautista ng National Bureau of Investigations’ Medico Legal Division.
Matapos ang misa, sa-bay-sabay ang mga opisyales ng pamahalaan at mamamayan ng San Fernado sa pagsaboy ng pulang bulaklak sa karaga- tan bilang alay sa mga biktima ng sakuna. Sinabayan din ng pagpapaulan ng bulaklak mula sa Islander at chopper ng PCG.
At sa darating na December 8 hindi lamang kapistahan ang pagtutuunan ng pansin ng pamahala- an ng San Fernando dahil ayon kay Mayor Tansingco, magtatayo sila ng marker sa naturang lugar bilang paggunita sa malagim na trahedya.
Nais kong pasalama- tan ang Philippine Coast Guard sa pagbigay sa akin ng slot na makasakay sa kanilang chopper na kinabibilangan nina Commander Tamayo, Ang mga pilot na sina Lt. Commander Lito Andal, Co Pilot Lt. Senior Grade Roderick Denila at Flt Crew Andrew Pilon at Ship Captain LCDR. Melbert Aniversarion ng BRP Batangas na naghatid sa akin sa pampang ng San Fernando.
Mabuhay kayo mga sir!