Hindi pa natatagalan nang ireport din ng World Bank na ang Pilipinas ay nasa nakadidismayang puwesto na iniiwasan ng mga dayuhang investors. Ang dahilan ng pag-iwas: Talamak na red tape. Only in the Philippines na maraming papeles na kakailanganin bago makapagbukas ng negosyo at hindi kikilos ang mga papeles kung walang "padulas" na pera. Kung malaki ang nakaipit na pera hindi na mahihirapan at ayos na agad. Kung maliit, tatagal ang proseso. Ony in the Philippines lamang ito. Dito sa Pilipinas may mga "buwaya" na walang kabusugan.
Ang sinabi ng World Bank ay mariin namang binatikos ng Malacañang. Hindi anila nagkukulang ang gobyerno ng Pilipinas kung ang tungkol sa pamumuno ang pag-uusapan at lalong hindi naman naging malambot sa paglaban sa mga tiwali sa pamahalaan. Walang katotohanan ang sinabi ng World Bank.
Mahinang pamumuno at labis na katiwalian ang nakikita sa Pilipinas. Nakadidismaya at nakahihiya ito. At natural na hindi tatanggapin ng Malacañang ang komentaryo o obserbasyon ng World Bank.
Walang pinakamabuting magagawa kundi unahin ng Malacanang na malutas ang labis na katiwalian. Hindi na sekreto ang problemang ito. Ang taumbayan ay sukang-suka na sa mga katiwaliang nagaganap. Iprayoridad ito.