EDITORYAL Ipakitang seryoso sa pagdurog sa mga corrupt
June 28, 2006 | 12:00am
PINATUTUGTOG na sa radio stations ang mga awiting laban sa mga kurakot sa pamahalaan. Magandang pakinggan at tumitimo sa isipan. Ganitong mga awitin ang nararapat sa kasalukuyan para naman mamulat ang sambayanan sa mga nangyayaring pagnanakaw sa kaban ng bayan. Mas madaling maipahahatid ang mensaheng may kaugnayan sa mga kurakot sa pamamagitan ng awitin.
Ang nasa likod ng mga awitin para sa mga kurakot ay ang Office of the Ombudsman. Naglunsad sila ng contest noong May 12, 2006 para sa selebrasyon ng kanilang 18th anniversary. Nagkataon din namang noong Mayo ay "anti-corruption month". Nanalo ang mga awiting "Mahiya naman kayo" ni Lemuel Samblero, "Walang kurap" ni Jungee Marcelo at "Crossroads" ni Christine Bendebel.
Maganda ang inilunsad na anti-corruption songwriting contest ng Ombusdman at maaaring makaakit pa nang mga mahuhusay gumawa ng kanta. Ngayong talamak ang corruption sa bansa, mas madaling makalilikha ng awit sapagkat lantaran na ang pangungurakot na ginagawa. Hindi na lalayo pa ang mga composer para magkaroon ng ideya sa isusulat na awit sapagkat nasa paligid-ligid lamang.
Noong nakaraang linggo, inihayag ni President Arroyo na maglalaan siya ng P1 bilyon para madurog na ang corruption sa bansang ito. Ang balak na ito ni Mrs. Arroyo ay maganda at kapuri-puri kung . matutupad. Kung hindi, walang ipinagkaiba ito sa mga nauna na niyang pangako at mga pagbabanta laban sa mga kurakot sa pamahalaan. Talamak na ang pangungurakot sa mga ahensiya ng pamahalaan at ito ang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang bansa. Laganap ang corruption sa Customs, BIR, DPWH, DepEd, DOH, Immigration, AFP at marami pang iba.
Hanggang ngayon ay hindi pa naiimbestigahan ang fertilizer scam na kinasasangkutan ni Agriculture undersecretary Joc-Joc Bolante. Patuloy na umiiwas si Bolante sa mga Senate hearings. Nagtatago si Bolante sa United States. Ipinagtataka kung bakit nakalalabas ng bansa si Bolante gayong may hold-departure order sa kanya. Na-mismanage ang fertilizer fund at sinasabing ginamit ito noong May 2004 presidential election.
Kung seryoso ang Arroyo administration laban sa mga corrupt, unahin niya ang nasa kanyang bakuran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest