Importante buhay ng tao!

KRIMINAL man may karapatang magbagong buhay!

Ito ang palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang bawi – bitay ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa may 1,200 death convicts nakakulong up to now sa New Bilibid Prison at iba pang penal colony sa Pinas. Ika nga, life sentence na lamang ang ipalit.

Kung ang timing ng announcement ni Prez GMA ay mali tulad ng sinasabi ng ilang kritiko sa government regarding sa bawi – bitay, ang madlang people na siguro ang dapat humusga.

Mabigat ang naging desisyon ni Prez GMA sa kanyang bawi – bitay pero hindi na bago ang isyung ito sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil noon pa man kontra na ang panggulo este mali Pangulo pala sa death penalty. Kung bakit? Si Prez GMA lang ang makakasagot nito.

Hindi ko kinakampihan si Prez Gloria sa naging plano niya kung tama o mali ang ginawa niya sa isyu ng laban o bawi este mali bawi – bitay pero sa opinion ng mga kuwago ng ORA MISMO, may karapatan ang isang kriminal na magbagong-buhay. Tama ba, Lord!

People of the Philippines kayo ang maghugas este mali humusga pala. Sabi nga, importante ang buhay ng tao kahit na kriminal ito. Totoo kaya?

Ang opinion ng mga kuwago ng ORA MISMO, maka-Lord ang move ni Prez GMA kaya lang ayaw kagatin ng ilang Noypi ang anunsiyo kasi lagapak ang rating niya. Sabi nga, paninipsip lang sa Simbahang Katoliko ang move.

Kaya naman sangkatutak ang nagtaasan ng kilay sa ginawang announcement ni Her Excellency sa bawi – bitay issue. Pero ang kaparisan este mali kaparian pala ay masaya sa decision regarding sa bawi – bitay ni Prez Gloria.

Malupit na parusa ang death penalty pero sa mga pamilya ng naging biktima nila dapat lamang ito.

Sabi nga, ganti – ganti lang sa mamamatay.

Ika nga, bahay este mali buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran.

Kaya naman sangkaterba ang pumapalag sa bawi – bitay ni Prez GMA.

‘‘Malagapot kaya ang death penalty?’’ tanong ng kuwagong na jaywalking.

‘‘Marami ang magwawala kapag nawala ito lalo na ang mga pamilya ng biktimang nakamote,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Paano ang mga turista este mali terorista pala, mga rapist, drug lords ligtas ba sila sa kamatayan?

‘‘Iyan kamote, vigilante na ang bahala sa kanila, he-he-he!’’

Show comments