Maraming kaso na ang inilapit kay Dr. Romy Orteza na nagsasagawa ng bio-energetic modulation therapy tungkol sa paghina ng daloy ng dugo, pagkipot ng mga ugat at pamamanhid ng maraming parte ng katawan.
Gaya ng pamumulikat at pamamanhid ng tuhod, binti at paa ni Nestor Umali, 65, ng Nasugbu, Batangas. Dalawang beses na na-stroke si Mang Nestor. Hirap na hirap siyang kumilos. Isang pinsan ang nagdala sa kanya sa Teresita Gen. Hospital sa D. Tuazon, Quezon City. Apat na beses lang siyang nahiga sa bio-energetic mat nakatatayo na siya at hindi na kailangang alalayan sa paglakad. Bumuti na ang daloy ng kanyang dugo pati ang kanyang memorya.
Nahihirapan namang tumayo, sumasakit ang balakang at may osteoarthritis ang dalawang tuhod ni Vivian Ang, 70, ng Valenzuela City. Ibat ibang oral medicine ang kanyang nainom hanggang sa magpaineksyon ng pain reliever pero patuloy pa rin ang kanyang paghihirap. Isang kaibigan na nakabasa sa kolum na ito ng tungkol sa bio-energetic modulation therapy ang nagdala kay Mrs. Ang sa klinika ni Dr. Orteza at sa pang-anim na session niya ay bumuti na ang pakiramdam ni Mrs. Ang.
Si Ramon dela Cuesta, 69, ng New Manila, Quezon City ay may erectile dysfunction dahil sa kanyang prostate enlargement. Hirap din siyang tumayo. Nagpa-therapy siya kay Dr. Orteza para gumanda ang blood circulation at binigyan ng infrared ray at negative ions para lumiit ang prostate. Ngayon ay wala na siyang problema sa pag-ihi at ayos na ang pagkalalaki. Tuloy pa rin ang kanyang therapy.