Gaya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Inungkat niya ang mga lumang kaso na kinasasangkutan ni dating President Fidel V. Ramos. Ito ay ang may kinalaman sa Smokey Mountain at mga reclaimed area na matagal ding binatikos ng kaliwat kanan noong panahon ni FVR at Erap. Lumang tugtugin na ang mga kasong kinakanta ni Miriam.
Hindi malaman ang nagbunsod kay Miriam para bulatlatin ang mga kaso laban kay FVR. Matalas na naman ang kanyang dila at ang hinarap pa ay si FVR na akala ko ay nagbati na.
Hindi bat nakipagbeso-beso pa si Miriam kay FVR ilang buwan bago ang May 10 election?
Senador Miriam, tigilan mo na lang muna ang pulitikahan. Ipakita mo na lang muna ang pagiging magaling na mambabatas at hindi ang pagiging imbestigador. Ipaubaya mo na lamang sa mga kinauukulan ang maghabol sa mga katulad ni FVR at iba pa. Hintuan mo na ang pamumulitika.