Samantala, dumating ang panahong napagpasiyahan ni Kardo na gawing isang commercial center ang kanyang lupa. Kaya, hiniling niya sa lahat na nakatira rito na lisanin na ang lugar dahil hindi naman sila nakababayad ng buwanang renta. Tumanggi ang lahat pati na si Mando. Iginiit nilang ang kanilang pamumusisyon ay batay sa Urban Land Reform Act o PD 1517, kung saan nag-aangkin sila ng right of first refusal to purchase. Bilang patunay, nagsampa sila ng petisyon sa National Housing Authority upang ideklara nito ang nasabing lupa bilang urban land reform area, kahit na hindi pa ito nadedeklara. May karapatan ba si Kardo na paalisin ang mga nangungupahan sa kanyang lupa kabilang na si Mando?
MAY karapatan si Kardo. Ang nasabing lupa ay hindi pa naidedeklarang urban land reform zone (ULRZ). Kaya, nang hilingin ni Kardo ang mga nakatira rito na lisanin ang lugar dahil hindi sa pagbabayad ng renta, ang oral na kasunduan sa paupa ay natapos na rin.
Wala ring kontrata ng paupa sa pagitan nila ni Mando. Ang pag-ani niya ng niyog upang gawing tuba ay isang usuprukto. Dito ay binibigyan si Mando ng karapatang anihin ang mga prutas at gamitin ang lupa ni Kardo kapalit ng pag-aalaga niya sa lupa.
Ang pagpayag ni Kardo sa pagpapatayo ng bahay ni Raymundo ay isa lamang paraan upang mapadali nito ang paggawa ng tuba. Isa itong easement na ipinagkakaloob ng Kodigo Sibil para sa kaginhawahan ng isang tao (Alcantara et.al. vs. Reta, Jr. G.R. 136996 December 14, 2001).