Ironically, maraming programa ang Simbahan na puspusang suportado ng PAGCOR in terms of financial assistance.
Magkatuwang wika nga sa pagbibigay ng serbisyo sa mga maralita lalo na yaong nangangailangan ng medical service.
Nakalulungkot pero tila ang pagkakaroon ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ay eksklusibo sa mga masalapi. Parang itoy isang pribilehiyo imbes na karapatan ng bawat Pilipino.
Kaya ano mang batikos ang ibinabato sa PAGCOR maaasahan ito sa pagkalinga sa mga mahihirap na nangangailangan ng medical care.
Alam nyo ba na kamakailan ay pinasinayaan sa Parañaque ang Our Lady of Peace Hospital na ang pagsisilbihan ay ang mga mararalita nating kababayan? Ito ay isang 100-bed capacity charity hospital na ang ipinagkakaloob na medical service ay matatawag na high standard?
Itoy maglilingkod din sa mga nangangailangan ng operasyon, manganganak at pasyenteng nangangailangan ng intensive care.
Itoy proyekto ng Foundation of Our Lady of Peace Mission Inc. (FOLPMI) sa pamumuno ng ating kaibigang si Fr. James Reuter na siyang chairman ng foundation. Ang founder at presidente ng samahang ito ay ang 1997 Ramon Magsaysay Awardee for community leadership na si Sr. Eva Fidela Maamo.
Ang PAGCOR ay isa sa mga major benefactors ng pagamutan. Itoy nagdonasyon ng kabuuang P58 milyon sa pagtatayo ng ospital at pagbili ng mga modernong kagamitan.
Ayon kay PAGCOR chair Efraim Genuino, itoy ambag ng korporasyon sa layunin ni Presidente Arroyo na lingapin ang mga mahihirap na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.
Pinasasalamatan ko rin ang PAGCOR dahil nakapag-refer din tayo ng ilang mahihirap na pasyenteng walang atubili nitong tinulungan.
Mabuhay kayo and keep up the good work. Talagang kapag namumunga ng mabuti ang institusyon, natural lamang na itoy pupukulin.
Masakit nga lang ang mabukulan pero tiis lang.
Sabi nga ng kawikaan you can never put a good man down.