Mabilis magparusa si Lina sa ilang pulis pero mabagal sa 5 members ng Jericho
August 23, 2002 | 12:00am
SOBRA ang bilis ni Interior Secretary Joey Lina na benggahin ang mga pulis na sa tingin niya ay sagabal sa jueteng campaign niya subalit kung ang Task Force Jericho ang inireklamo mukhang may amnesia siya.
Ang tinutukoy ko mga suki ay ang pagpatapon sa kangkungan nina Supt. Marcelino Pedrozo ng General Assignment Section (GAS) ng Manila police na nanghuli sa limang miyembro ng Task Force Jericho sa kasong extortion at ni PO3 Bonifacio Abad, ang complainant sa kaso. At ngayon, kayo na mga suki ang maghusga kung may patutunguhan ba o wala itong jueteng campaign ni Lina na lampas 100 days na eh ga-kulangot lang ang accomplishments niya. Si Pedrozo sa ngayon ay ginawang deputy chief ng isang investigation office ng Manila police. Sa biglang tingin, maaari nating sabihin na na-promote siya pero kung matalas ang inyong paningin isa itong demotion para sa kanya.
Sa GAS ng Manila police kasi e me sarili kang tinatawag na kaharian dahil me mga tauhan ka at sariling diskarte pero sa bagong puwesto ni Pedrozo, panay papeles lang ang hahawakan niya. Get nyo mga suki?
Ang pinakamasaklap pa, itong si Pedrozo ay kinasuhan ng obstruction of justice sa National Police Commission (Napolcom). Mukhang may bias dito si Lina dahil nakasuhan si Pedrozo pero ang limang Task Force Jericho members na naebidensiyahang nangongotong eh hindi kinasuhan. Si Lina mga kababayan ay umuupo ring chairman ng Napolcom. Abot nyo na mga suki?
Si Abad naman na naka-assign sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay natapon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO). Ang kasalanan lang ni Abad sa tingin ko mga suki eh minahal niya ang anak na si Michelle. Kasi nga nag-ugat itong kaso sa pagkaaresto ke Michelle at isa pang kasamahan niya ng limang Task Force Jericho members. Halos apat na oras ng hindi makita ni Abad ang kanyang anak kayat sa pangamba niyang may masamang nangyari sa kanya, nagreport siya kay Pedrozo.
Ang kasalanan naman ni Pedrozo ay ginampanan niya ang kanyang sinumpaang tungkulin at sa kasamaang palad nga mga bataan pala ni Lina ang nasagasaan niya. He-he-he! Saan ang hustisya? Hindi lang sina Pedrozo at Abad ang demoralisado ngayon kundi pati pamilya at kamag-anakan din ng pitong opisyal ng pulisya na naunang pinarusahan ni Lina.
Ang puna ngayon ng ating kapulisan eh masyadong mabilis si Lina sa pagparusa ng kabaro nila na sa tingin niya ay nagkamali subalit wala siyang aksiyon laban sa mga bataan ni Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho, kahit kaliwat kanan na ang ebidensiya na sangkot sila sa tong collection activities. Bakit at magkano ba talaga? Yan ang katanungan na umiikot sa ngayon sa pulisya natin sa buong bansa.
Bakit ang lambot mo kina Apacible, Morajes, Cayabyab at Sabare, ha Secretary Lina Sir? Pitikin mo naman sila para masabi mo sa sambayanan na kahit kapiraso lang eh naparusahan mo rin sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am