Isang pag-aaral tungkol sa endangered specie na ito ang isinasagawa ng Pulaman Wild Life Rescue and Conservation Center-Crocodile Farming Institute (PWRCC-CFI) at binabalangkas ang isang framework na magiging giya na Natural Resources Development Corp. na siyang magma-manage ng PWRCC-CFI na inilunsad ng DENR at ng pamahalaan ng Japan noong 1987 para ipreserve ang dalawang endangered species of crocodile sa Pilipinas. Itoy ang freshwater crocodile (crocodylus mindorensis) at ang saltwater crocodile (crodulus porosus).
Napag-alaman na ang mga buwaya ay living dinosaurs na natitirang kasanib ng class archosauria. Ang ancestors ng mga buwayang ito ay nabuhay bago pa ang great age of dinosaurs may 65 milyong taon na ang nakararaan.