Pasahe sa eroplano di-na tataas

MAGANDA ang balitang hindi na itutuloy ang pagtaas ng pasahe sa eroplano ngayong Kuwaresma. Nakiusap ang mga government officials sa pangunguna ng Department of Transportation and Communications sa mga may-ari ng eroplano na pansamantalang itigil ang pagtataas ng pamasahe.

Ang mamamayan ay nagreklamo sa balitang itataas na ang pamasahe sa mga eroplano dahil tumaas ang pinataw na insurance pagkatapos ng September 11 terrorist attack.

Ang pag-uwi sa kanilang mga minamahal sa buhay tuwing Kuwaresma ang pinakahihintay ng mamamayang nagtatrabaho sa Manila. Nag-iipon na sila ng pamasahe mula Enero pa lamang upang makauwi sa mga minamahal. At ngayon ay nagkataong itinaas ang pamasahe.

Salamat at nagbigay ng konsiderasyon ang mga may-ari at ipinagpaliban ang pagtataas. Makauuwi na ang mga kababayan sa probinsiya. Hindi na rin maapektuhan ang lokal na turismo.

Sa pagkakaunawaan ng pribadong sektor at pamahalaan upang isulong ang kapakanan ng mamamayan natutugunan ang mga suliranin ng bansa. Ang pag-unlad na inaasam para sa bayan ay nagkakaroon na ng katuparan.

Show comments