Isang matandang pasyente ni Dr. Go ang aking nakausap at na-touched ako sa kanyang isinalaysay. Dahil may diperensiya siya sa pandinig ay lagi siyang napag-iisa. Bihira siya kung kausapin at pansinin ng mga kasambahay na abala sa kani-kanilang gawain. Madalas tuloy siyang natutulala. Alam niya na may mga taong tumutukso at nanunuya sa kanyang pagiging bingi, matanda, walang silbi, pabigat at ulyanin na.
Sa kanyang pag-iisa ay madalas na umiiyak siya at may pagkakataong hiniling niya sa Diyos na bawian na siya ng buhay. Subalit, nagkaroon ng pag-asa mula nang masuri ni Dr. Go na tinagurian niyang miracle worker.
Sinabi ni Dr. Go na ang matandang iyon ay isa lamang sa maraming senior citizen na kanyang natulungan sa pamamagitan ng hearing aid na kanyang ikinabit. Nagkaroon sila ng self-confidence at naging useful citizens sa ating lipunan.
Ang lahat, kabilang na ang mga senior citizens, ay inaanyayahan ni Dr. Go na magpa-hearing test sa kanyang Hi-Tech Hearing Center Inc. sa 1602, 16th floor Medical Plaza, Makati, Amorsolo St., Makati City, telephone nos. 867-1229 to 30 at 723-1159 to 60. Lahat ay welcome sa kanyang klinika.