Iwasan ang mga matatabang pagkain

May malaking kaugnayan ang regular diet sa pagkakaroon ng cancer. Maraming pag-aaral o pagsasaliksik na ang ginawa sa buong mundo at ipinakikitang may direkta at hindi direktang relasyon ang diet sa pagkakaroon ng cancer.

Dahil masyado itong kontrobersiyal, mas makabubuting sundin ang mga sumusunod na payo para sa mabuting kalusugan: Kumain ng mga gustong pagkain subalit iyong nasa katamtaman; iwasang tumaba sa mga pagkaing ma-caloric; bawasan o gawing katamtaman ang pagkain ng mga matataba, paggamit ng alcohol, pagkaing salt-cured, nitrate cured smoked at iyong mga pickled foods. Dagdagan naman ang pagkaing mga may fiber, Beta-carotene at iyong may Vitamin C (tulad ng pagkaing butil, prutas at gulay).

Ang katabaan ay iniuugnay sa pagkakaroon ng breast, endometrial at gallbladder cancer. Ang sobrang pagkain ng mga matataba ay iniuugnay sa pagkakaroon ng colon at pancreatic cancer.

May madaling paraan upang mabawasan ang pagkaing matataba. Sundin ang mga sumusunod: Kumain lamang ng kaunting servings ng karne; alisin ang balat ng manok; piliin ang lean meat at iwasan iyong well-marbled meats; iwasang magprito, sa halip, ugaliing ilaga o iihaw ang pagkain; alisin ang mga lumulutang na taba sa sabaw o stew; gumamit ng low fat milk at bawasan ang pagkain ng mga processed cheeses; gumamit ng yogurt sa halip na sour cream; at gumamit ng margarine o kaya’y polyunsaturated vegetable oils.

Sa susunod na linggo ay tatalakayin ko ang tungkol sa protein na malaki ang kaugnayan sa osteoporosis at ganoon din ang tungkol sa paggamit ng alcohol.

Welcome to Angie Cruz and Tess Dino, Chairman and Administrator of Philippine Connection based in Illinois, USA.

Binabati ko ang mga dating kaklase sa UP High School na sina Eva San Jose at Tom Rigor na naririto ngayon sa Pilipinas para magbakasyon.

Congratulations kay German ‘‘Kuya Germs’’ Moreno sa matagumpay na medical clinic noong nakaraang Linggo para sa mga kapuspalad na miyembro ng Kapisanan ng mga Artista ng Pilipinong Pelikula at Telebisyon. Naging matagumpay ito dahil sa tulong ni Dr. Maria Fe Perez, Assistant Director ng Jose Reyes Medical Center at ng kanyang mga medical at surgical specialists na pinangungunahan ni Dr. Greg Ocampo at mga kasama mula sa Makati Medical Center. Salamat din sa Kapwa Ko Mahal Ko personnel at sa maraming gamot na ipinagkaloob ng iba’t ibang drug firms at medical representatives. Salamat kay Dr. John Nite at sa mga guests mula sa ‘‘Master Showman’’ na nagsagawa ng entertainment.

Humahanga ako kay Atty. Leon L. Asa sa pagkakalathala ng kanyang ‘‘Laughter is Legal," a well-chosen selection of humorous tid-bits, both local and international, in the journal ‘‘The Lawyer’s Review’’. Tuwang-tuwa ako habang binabasa ang librong ito.

Show comments