Seventeen years old si Nena at grade 6 lang ang narating nang mamasukan bilang yaya ng anak nina Ted at Rosa. Habang namamasukan, nakilala niya si Dionisio, isang nagtitinda ng tuyo.
Isang gabi habang wala ang mga amo niya at inaalagaan ang bata, pinasok sila sa bahay ng tatlong tao. Nakilala niya ang dalawa rito na sina Dionisio at kaibigan nitong si Randy. Matapos siyang mawalan ng malay dahil sa suntok, nalaman niya pagka-gising na ginahasa siya. Nagsawalang-kibo na lang siya. Dahil dito, lumakas ang loob nina Dionisio. Nang sumunod na linggo, bumalik ang mga ito at muli siyang ginahasa ni Dionisio kasabwat si Randy at ng isa pang kasama. Sa pagkakataong ito, hindi siya nawalan ng malay.
Mula noon, nawala na sa sarili si Nena. Naging matamlay siya at tinangka pang magpakamatay. Nang nalaman niyang siyay nagdadalantao, sinabi na niya ang pangre-rape ni Dionisio.
Si Dionisio lang ang nakasuhan ng dalawang rape. Napawalang-sala siya sa unang rape dahil malabo ang pangyayari tungkol dito. Wala kasing malay si Nena noong umanoy gawin ito. Ngunit sa pangalawang rape, napatunayang nagkasala si Dionisio at sinentensiyahang mabitay, dahil ginawa ang krimen sa tinitirhan ng biktima. Ayon kay Dionisio, hindi raw dapat bitay ang sentensya niya sapagkat ang rape ay nangyari hindi naman sa bahay ng biktimang si Nena kundi sa bahay ng amo niya. Tama ba si Dionisio?
Mali. Mas grabe ang parusa kung ang krimen ay ginawa sa tinitirhan ng biktima. Ang tinitirhan ay hindi kinakailangang pag-aari ng biktima. Kahit siyay bisita lang sa bahay na iyon o kayay katulong lang, ang lugar na tirahan ng biktima ay nagpapagrabe ng parusa dahil sa kasantuhan o sanctity nito. Maaaring ang bahay ay hindi sa kanya ngunit itoy tahanan pa rin niya kahit saglit lang. Dapat siyang igalang sa bahay na ito kahit pansumandali lang ang pagtira niya roon. (People of the Philippines vs Alfeche 294 SCRA 352)