^

Pang Movies

Arangkada o tabla?

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Si Barangay Ginebra coach Tim Cone ang unang magsasabing wala pang nakakakuha ng “real progress” sa kanilang finals showdown kontra TNT.

Maliit na bagay ang 2-1 lead lalo na’t kung hindi sila makakabunot ng follow-up sa kanilang 116-102 win sa Game 3 noong nakaraang gabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Fresh pa sa isipan ni coach Tim ang kanilang 3-2 advantage noong 2025 Commissioner’s Cup finals. Ito’y natapon sa resbak ng TNT sa Game 6 na nasundan nang classic win sa deciding Game 7.

Masakit na sadsad din ang inabot ng Gin Kings sa huling dalawang konperensya. Sa parehong pagkakataon, nakauna sila sa kanilang semifinal duel versus San Miguel Beer pero natapon ang kalamangan at hindi nakausad sa finals.

Kaya’t idinidiin ni coach Tim hindi natatapos ang serye sa 2-1 lead.

Nakatutok lang sila sa kasunod na laro kung saan inaasahan ang daluyong ng pagbabalik ng Tropang 5G.

Mula sa 102-100 Game 1 loss, humugot ng malakas na turnaround ang Tropa tungo sa 101-94 win sa Game 2.

Babantayan ng Gin Kings ang panibagong resbak ng Tropa. Determinado silang makipagsabayan sa Game 4 sa hangarin makuha ang 3-1 lead.

Nilaro ni coach Tim ng heavy minutes sa Game 3 ang kanyang core group – Justin Brownlee, Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Stephen Holt, Japeth Aguilar at Troy Rosario.

At dahil manggagaling sa two-day rest, malamang na didiin si coach Tim na gamit ang short rotation.

Nawala sa laban sina Calvin Oftana at Rey Nambatac para sa TNT noong Game 3. Kasama sila sa tutukan ng atensyon ng Ginebra sa Game 4 bukas sa Smart Araneta Coliseum.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with