^

PSN Palaro

Cagulangan, UP reresbak

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Cagulangan, UP reresbak
JD Cagulangan
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Walang ibang nasa kukote ni JD Cagulangan at ng University of the Philippines kundi ang rumesbak sa defending champions De La Salle University sa do-ro-die finals ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum  nga-yong araw.

Naniniwala rin si Cagulangan na mababago nito ang kasaysay na naganap sa huling dalawang seasons sa nasabing collegiate league.

Magsisimula ang Game 3 ng kanilang best-of-three series sa alas-5:30 ng hapon kung saan ay bawal ng kumurap ang UP at La Salle.

Matapos manalo sa Games 1 sa seasons 85 at 86 ay sumadsad sila pareho sa Games 2 at 3 upang malasap ang masaklap na kabiguan.

Nasa parehong senaryo ulit sila ngayon,

Nasikwat ng Fighting Maroons ang panalo sa Game 1 at natalo sila sa Game 2 na kung saan ay halos abot kamay na nila ang korona.

Pero ayon sa gradua­ting student na si Cagula­ngan, naka-pokus na sila sa Game 3 at kailangan nilang pag-aralan ang nangyari sa Game 2 upang maibalik ang korona sa kanilang bakuran na nasungkit nila sa Season 84.

“Just move on, don’t forget what happened in the game, We’ll study our lapses, learn from our mistakes, ani Cagulangan.

Apat na sunod na taon na lumalaban sa do-or-die Game 3 finals ang Fighting Maroons, matatandaang si Cagulangan ang tumira ng game-winner para masikwat ang korona sa Season 84 kontra Ateneo de Manila University sa overtime.

Kaya naman isa iyon sa paghuhugutan ni Ca­gu­langan ng lakas para makumpleto at maging masaya ang huling laro niya sa UP at sa kanyang collegiate career.

Maliban kay Cagulangan, kakapitan din ni UP head coach Goldwin Monteverde sa opensa sina Francis Lopez, Gerry Abadiano at Quentin Millora-Brown.

JD CAGULANGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with