Sexy actress hiwalay na...mister ni Rufa Mae, arestado raw sa hawaii!
Hindi pa kumpirmado pero totoo kaya ang umiikot na kuwentong diumano’y hiwalay na si Rufa Mae Quinto at asawang si Trevor Magallanes?
Nagsimula ito nung nag-leak sa social media ang isang screenshot na palitan nila ng supposedly ay usapan ng hiwalayan na kung totoo ‘yun ay pwedeng basehan nga.
At mas uminit pa ang kuwento nito nang mag-komento ang dating manager ng sexy actress na si Boy Abunda na maging siya raw ay hinihintay magsalita si Rufa Mae tungkol dito.
“We are also aware na may mga umiikot na screenshots ng conversation with Trevor, the husband of Rufa Mae Quinto, at saka ni Rufa Mae,” pahayag ni Kuya Boy sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes.
“Meron du’n pag-uusap between the couple. At meron din isang screenshot ng isang report galing sa pulisya sa Hawaii na may kinalaman naman kay Trevor,” patuloy ng King of Talk.
“Now, we have this, and we are trying to validate this and we are in touch with the lawyer of Rufa Mae, Atty. Mary Louise Reyes, who has been very helpful to us.
“Kung ano ang developments sa balitang ito ay ibabahagi ho namin sa inyong lahat,” pahayag pa niya.
Bukod sa diumano’y hiwalayan may intriga nga inaresto raw si Trevor sa Hawaii pero hindi pa rin klaro kung totoo ito dahil wala ngang nagbibigay ng kumpirmasyon tungkol dito.
Bukas ang aming pahina sa anumang pahayag ng mag-asawa o kanilang kampo.
- Latest