^

Metro

Quezon City mananatiling safe place sa LGBTQIA+ - Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City mananatiling safe place sa LGBTQIA+ - Mayor Joy
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte kasama ng ibang mga opisyales ang paglulunsad ng “Love Laban 2, Laban sa Karapatan” na nagbibigay proteksyon sa hanay ng LGBTQIA+ bilang bahagi ng selebrasyon ng ­Quezon City-LGU sa Pride Month, ngayong Hunyo.
Angie dela Cruz

MANILA, Philippines — Mananatiling safe place ang Quezon City para sa LGBTQIA+ community.

Ito ang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte kaugnay ng ginawang paglulunsad ng Love Laban 2 Laban sa Karapatan na bahagi ng selebrasyon ng lokal na pamahalaan kaugnay ng Pride Month ngayong Hunyo.

Sinabi ni Mayor ­Belmonte na ang aktibidad ay isang pagpupugay at galing ng LGBTQIA+ community at para wakasan ang mga pang-aabuso at diskriminasyon sa naturang hanay.

“Ang QC ang matagal nang tahanan para sa pantay-pantay na pagbibigay ng protection sa LGBTQIA+. Dito protected sila at mananatiling safe space para sa LGBTQIA+ “ sabi ni Mayor Belmonte.

Binigyang diin ni Ma­yor Belmonte na mula 2014 ay nagsimula na ang QC LGU na bigyan ng patas na pagkilala at panganga­laga ang LGBTQIA+ community bukod sa ordinansa na nangangalaga sa naturang komunidad. Noong nagdaang taon, kinilala rin ang QC sa buong bansa at sa Asya na nanngungunang LGU na nagbibigay protection sa LGBTQIA + kung saan umabot sa 110,000 ang nakiisa sa Pride March event. Sa sabado, June 22 ay isasagawa ang pinakamasaya at pinakamalaking Pride March sa QC hall Rise Garden ngayong taon para LGBTQIA+ community.

vuukle comment

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with