^

PSN Showbiz

Joel, apat na dekada na !

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joel, apat na dekada na !
Joel Torre

Mahigit apat na dekada nang aktibo si Joel Torre sa show business. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Joel ang payo sa kanya ni Vic Silayan nang magkatrabaho sa pelikulang Karnal noong 1983. “’Joel, you have to love your job. So that your job will love you back.’ True enough, binubuhos mo ‘yung lahat, ‘yung mind, body and soul into your craft. And ibinabalik din naman sa iyo. Kailangan you have full focus. You have to invest in yourself,” kwento ni Joel sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang aktor na talagang napahanga siya sa pagiging magaling na artista ni Vic noong nabubuhay pa ito. “I wanted to explore the era that they have, the golden era of Philippine cinema, and studio systems and all that. I really look up to Vic Silayan. When I saw Kisapmata do’n ako nayanig talaga sa kanya,” pagtatapat niya.

Ayon kay Joel ay isa rin si Cherie Gil sa mga artistang babae na kanyang hinangaan. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Oro, Plata, Mata noong 1982. “We were so close. I think I made more movies with Cherie than any other leading lady. Bihira lang magkaroon ng babae na kaibigan, and exchange of ideas,” pagbabahagi ni Joel.

Christian, hindi priority ang anak dahil sa misis

Kontrobersyal ang hiwalayan nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan kamakailan.  Nasaksihan umano ni Christian Bautista kung paano naapektuhan ang aktres nang mapahiwalay sa asawa. Magkatrabaho sina AiAi at Christian bilang mga hurado sa The Clash ng GMA Network. “Ang conversation ko po is more of support. More of telling her na I am a friend. Lahat kami sa show, sa The Clash, we are friends. Hindi na ako nag-dwell or nag-dig deep. Unless siya ‘yung gustong mag-open up. Pero ang usual na ginagawa ko ay nakikinig na muna. There was an instance na nagsu-shoot kami sa isang show and then napi-feel namin ‘yung bigat. And she would tell herself na ‘Kaya ko ‘to!’ Fighting habang the cameras are not rolling. Then when the cameras were rolling na, makikita mo sa kanya willing herself. That’s just true professional right there,” pagbabahagi ni Christian.

Hindi lingid sa kaalaman ng singer na ang hindi pagkakaroon ng anak ang isa mga dahilan ng paghihiwalay nina AiAi at Gerald. Mahigit anim na taon nang kasal ngayon sina Christian at Kat Ramnani. Wala raw problema sa singer kung hindi pa sila nabibiyayaan ng supling ng misis. “We don’t take offense kasi parang tradisyon na ‘yan ng Pilipino. Ang lagi ko na lang sinasabi, ‘I have a cat, I have a dog.’ Check n’yo ‘yung Instagram namin,” giit niya.

Para kay Christian ay mas mahalagang ang pagsasama nila ni Kat bilang mag-asawa ang kailangang pagtuunan ng pansin. “Ang importante yata sa marriage ay ‘yung isa’t isa muna. ‘Yung partner mo muna bago ‘yung pressure na magkaroon ng isang anak. ‘Yung iba ang sinasabi focus on the anak. Meron naman na nagsasabi na focus on the marriage na ‘yung anak makikita ang very, very good example ng isang partnership and admire you more,” makahulugang giit ng singer. — Reports from JCC

ACTOR

JOEL TORRE

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with