^

Police Metro

Lola na tumatawid todas sa bus

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Driver umarangkada kahit pula na ang stoplight

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 57-anyos na lola matapos na masagasaan at pumailalim sa gulong ng bus nang habulin ng driver ang stoplight kahit pula na ito naganap sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Erlinda Linay Aguilar, ng Escopa IV, Quezon City habang naaresto ang suspek na si Jose Siguerra, 51-anyos at residente ng Better Living Subd., Parañaque City.

Sa report ng Que­zon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa P. Tuazon kanto ng J.P Rizal, Brgy. Marilag, Quezon City.

Sa imbestigasyon, nasa kalagitnaan ng pedestrian lane ang biktima nang biglang kumaliwa ang Daewoo Truck Bus na minamaneho ni Siguerra sa intersection, at nasalpok ang biktima.

Sinabi ni Brgy. Marilag responder Danilo Gapas, hinahabol umano ng bus driver ang stoplight kaya ‘di napansin na may tumawid na matanda.

Ayon sa driver, hindi niya nakita ang matandang tumatawid kaya niya nasagasaan nagulat na lamang siya nang may kumalabog sa bandang likuran.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa bus driver.

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with