^

PSN Palaro

UP, La Salle itatakda ang Finals showdown

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
UP, La Salle itatakda ang Finals showdown
Tangan ang twice-to-beat advantage, sisikapin ng Green Archers na tapusin agad ang Soa­ring Falcons sa kanilang laro sa alas-6:30 ng gabi habang magtatapat sa isang semis match ang University of the Philippines at University of Sto. Tomas sa alas-3:30 ng hapon.

MANILA, Philippines — Kakapit ang defen­ding champion De La Salle University kay reigning two-time Most Valuable Player Kevin Quiambao pagharap nila sa Adamson University sa semifinals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Tangan ang twice-to-beat advantage, sisikapin ng Green Archers na tapusin agad ang Soa­ring Falcons sa kanilang laro sa alas-6:30 ng gabi habang magtatapat sa isang semis match ang University of the Philippines at University of Sto. Tomas sa alas-3:30 ng hapon.

Isang panalo lang ang kailangan ng Taft-Based squad at arangkada na sila sa Finals, katulad ng Figh­ting Maroons, nasungkit nila ang insentibo matapos nilang pumuwesto sa No. 1 at 2 sa team standings, ayon sa pagkakasunod sa elimination round.

Tiyak na ganado si Quiambao na maglaro da­hil nasungkit nito ang back-to-back MVP, nakuha niya ang prestihiyosong individual award dahil sa itinalang season average na 16.6 points, 8.6 rebounds, 4.1 assists, at 1.0 block per game.

Pero inaasahang mapapalaban ng todo ang Green Archers sa may tangan na momentum na Soaring Falcons.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with