Boses at istorya ng LGBTQ+ community, tampok sa RainbowQC Pride Film Festival

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kikilalanin ng LGU ang boses at istorya ng LGBTQ+ community sa gagaw-ing kauna-unahang RainbowQC Pride Film Festival sa Quezon City.

Sinabi ni Belmonte na ang okasyon ay isang special edition sa acclaimed QCinema International Film Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.

Ang film festival ay magsisimula bukas, Hunyo 25 hanggang 27.

“QCinema is one of our city’s most anticipated cultural events—bringing together film lovers and creatives alike. This year, we proudly introduce RainbowQC, a special edition that celebrates not just the art of cinema, but the spirit of Pride and inclusion,” pahayag ni Belmonte.

Binuo ang festival ni QCinema Artistic Director Ed Lejano kung saan tampok dito ang pinaghalong local at international titles tulad ng The Wedding Ban-quet (USA), Some Nights I Feel Like Walking (Italy, Philippines, Singapore), Cocoon (Germany), at Consequences (Slovenia).

May free screening ng short films sa Hunyo 27, sa ilalim ng Rainbow QCShorts section.

Show comments