2 Chinese hinarang sa paggamit ng pekeng exit clearance

Kinilala ang mga Chinese na sina Yu Ziming, 32, at Wu Liping, 30, na na-flag ng mga miyembro ng Bureau’s Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) dahil sa pagpapakita ng mga huwad na ECC.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng Emigration Clearance Certificate  (ECC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kinilala ang mga Chinese na sina Yu Ziming, 32, at Wu Liping, 30, na na-flag ng mga miyembro ng Bureau’s Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) dahil sa pagpapakita ng mga huwad na ECC.

Ang interception ay naganap noong Hunyo 20 sa departure area, habang tinangka ng mga pasahero na sumakay ng Cathay Pacific Flight patungong Hong Kong.

Ang ECC ay kinakailangan para sa mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas at nagnanais na umalis ng bansa nang permanente.

Inihayag ng inisyal na imbestigasyon na ang dalawang indibidwal ay dating nagtrabaho para sa mga kumpanya ng Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO), na nasa ilalim ng mas mataas na pagsisiyasat ng gobyerno kasunod ng pagbabawal ng POGO ng bansa.

Ang dalawa ay itinurn-over sa BI Legal Division para sa pagsasampa ng kaukulang singil sa imigras­yon. Mula noon ay inilipat na sila sa Warden Facility ng Bureau kung saan mananatili silang nakabinbin ang mga paglilitis sa deportasyon.

“Hayaan itong maging isang babala sa mga nagtatangkang umiwas sa mga batas sa imigrasyon sa pamamagitan ng mga pekeng dokumento. Ipagpapatuloy natin ang pag-alis ng pandaraya at paninindigan ang integridad ng ating mga hangganan,” ani  BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Show comments