^

Metro

1 milyong boto sa Batangas, tiniyak kay Isko Moreno

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatitiyak na umano ng tinatayang isang milyong boto buhat sa Batangas si Manila City Mayor Isko Moreno sa paglulunsad ng Aksyon Demokratiko tiket sa naturang lalawigan.

Ipinangako ito ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na nagdeklara ng suporta sa kandidatura ni Moreno sa pagka-Pangulo kasabay ng ‘One Batangas convention’ kahapon.

Kasabay nito, idineklara ni Lipa City Mayor Eric Africa na ‘adopted son’ ng siyudad si Moreno.

Nangako si Moreno ng pagpapalakas sa mga industriya na magbibigay ng trabaho sa mga taga-Batangas at paghihigpit sa pagpasok ng mga smuggle na manok at baboy para makalaban ang mga Pilipinong magsasaka.

“Filipino first, farmers first. Lahat ng talipandas sa smuggling, bilang na ang araw n’yo. Pa­panatag na ang mga nasa kabukiran dahil may kakampi na kayo sa gobyerno,” ayon kay Moreno.

Dinaluhan ang pagtitipon ng 2/3 sa mga alkalde ng Batangas, lahat ng mga congressman, at mga barangay officials.

vuukle comment

AKSYON DEMOKRATIKO

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with