^

Metro

Sa loob mismo ng brgy. hall: Brgy. chairman itinumba, 3 pa sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­ rangay chairman, habang tatlo pa ang nasugatan ka­bilang ang isang 2-anyos na bata na kasalukuyang kri­tikal sa pamamaril sa loob ng barangay hall sa Balut Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Namatay habang nila­la­patan ng lunas sa paga­mutan ang chairman ng Barangay 103, District 1 ng Tondo na si Rolando­ Reyes, 53, habang nilalapatan ng lunas sa magkakahiwalay na pa­ga­mutan ang misis nitong si Mari­lou Reyes, 50; Jua­nito Fausto­, 41, barangay tanod; at ang paslit na si Adrian Da­ guio, pawang mga residente ng Rodriguez St., Ba­lut Tondo, Maynila.

Dalawang suspect na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa inisyal na ulat, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan   ang nasawing tserman, habang stray bullets naman ang tumama sa tatlo subalit minalas na sa ulo ng paslit bumaon ang bala.

Naganap ang insidente­ dakong alas-9:05 ng umaga­ sa loob ng barangay hall, kung saan naroon ang mag-asawang bik­tima. Isa sa dala­wang suspect ang may ha­wak na baril at agad na pinaputukan ng dalawang beses si chairman  Reyes na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at na­daplisan naman si Marilou.

Nang makita ito ni Fausto­ ay hinabol ang mga suspect kaya siya man ay pinaputukan ng mga suspect at tinamaan sa kanang binti.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa ulo ang batang naglalaro sa oras na iyon sa labas ng barangay hall.

ADRIAN DA

BALUT TONDO

BATAY

DALAWANG

FAUSTO

MAYNILA

REYES

RODRIGUEZ ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with