MANILA, Philippines - Simula sa Hulyo 1, hindi na kukunin ang basura ng mga taga residente ng lungsod Quezon na hindi segregated.
Ayon kay QC Environmental Protection and Waste Management Department, ang hakbang na ito ay ipatutupad sa ilalim ng “ Hiwa-hiwalay na Basura sa Barangay Program” upang mabawasan at maipatupad ang paghihiwalay ng mga basura at ma-divert ang 50 percent ng solid wastes na maaaring ilagak sa QC Sanitary Landfill na gagamitan ng mga waste diversion techniques tulad ng resource recovery, recycling at reuse ng mga basura.
Bago maipatupad ang “No Segregation No Collection” scheme, isang dry run ang kanilang isasagawa sa loob ng dalawang linggo upang magkaroon ng adjustment period ang mga taga lunsod sa sistema ng pagkolekta ng basura at matuto mula dito kung paano magtapon ng basura.
Makaraan ang dry-run, ipatutupad ang “No Segregation No Collection” policy sa mga barangay sa koordinasyon ng EPWMD.