NCRPO umalerto laban sa gangsters sa mga paaralan

MANILA, Philippines -  Ipinag-utos ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Allan Purisima sa limang police district sa Metro Manila ang mahigpit na pagbabantay laban sa mga gangsters na naghahasik ng kaguluhan sa mga kabataan sa mga paaralan. Sa kautusan ni Purisima, tinagubilinan nito ang mga district directors na magpakalat ng mga tauhan sa bisinidad ng mga paaralan upang sawatahin ang mga gangsters na nagre-recruit ng mga kasamahan o kaya naman ay naghahasik ng takot sa mga inosenteng mag-aaral lalo na sa high schools. Target din ngayon ng NCRPO na kilalanin ang mga lider ng mga gangster at arestuhin ang mga ito kung madidiskubreng may kinakaharap na mga kaso sa pulisya at sa korte. Sa mga rekord ng pulisya sa Metro Manila, karaniwang nasasangkot ang mga gangster hindi lamang sa mga ordinaryong krimen ng pambubugbog ngunit sangkot din sa pagpatay, pagdadala ng mga iligal na baril at sa iligal na droga. Kailangan umanong proteksyunan ang kaligtasan ng mga mag-aaral na ginugulo ng mga gangsters na walang magawa kundi ang maghari-harian.

Show comments