MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Manila 2nd District Councilor Rodolfo N. Lacsamana ang pagbibigay ng P500 dagdag na allowance sa mga barangay tanod kasabay ng pagsuporta sa House Bill No. 2674.
Ayon kay Lacsamana, naniniwala siyang panahon na upang madagdagan ang allowance ng mga tanod dahil ang mga ito ang kadalasang sumasabak sa mga gulo at krimen na katuwang ng mga pulis.
Sinabi ni Lacsamana na umaabot sa 800 ang mga barangay sa Maynila kung kaya’t hindi biro ang bilang ng tanod na kakailanganin.
Aniya, maraming pabrika ang nasa Maynila na maaring bantayan ng mga tanod bilang bahagi ng kanilang trabaho sa barangay.
Binigyan-diin ni Lacsamana na malaking tulong ang pagroronda ng mga tanod dahil napipigilan nito ang krimen sa kanilang nasasakupan.