Tomboy iniwan ng nobya, naglason

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na tomboy ang nasawi ma­tapos tumungga ng silver cleaning solution nang hindi matanggap ang ginawang pakiki­paghi­walay sa kanya ng kan­yang girlfriend sa C­a­loocan City ka­hapon.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon si Maria The­resa Gregori, ng Salmon st., Dagat-dagatan ng lung­sod na ito.

Lumalabas sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali sa loob ng ka­nilang bahay sa na­banggit na lugar. Napag-alaman labis na dinam­dam ng nasawi ang paki­kipaghiwalay sa kanya ng nobya sa hindi ma­lamang dahilan.

Show comments