Bagets na lider ng notoryus gang, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang isang bagets na sinasabing lider ng notor­yus gang na sangkot umano sa iba’t ibang krimen sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO4 Raffy Me­lencio, officer-in-charge ng Anti-Crime Unit ng Manila Police District-Station 1, ang suspek na nadakip ay itinago sa pa­ngalang “Akiro” 16 anyos, out-of-school youth.

Si Akiro ay inaresto ma­tapos ang inihaing reklamo ng isang  14-anyos na itinago sa panga­lang “Myra”, resi­dente ng Tondo, Maynila na umano’y hinoldap ng una.

Bukod dito, positibo ding kinilala ang suspek ng isa pang biktimang si Lovely Mallari, 18, estudyante, na siya ring humol­dap sa kaniya noong Mayo 17, 2010. Sinabi ng biktima na ang suspek ang namumuno umano sa grupo nitong pawang mga menor-de-edad din at bago umano siya iwan ay pinaghi­hipuan pa siya nito.

Sa beripikasyon ng MPD-Station 1, natukoy din ang sus­pek na responsable sa pama­ma­­ril sa isang Denmark Battung, 18, ng #5 Camia st. Tondo, Maynila noong Mayo 17, 2010 na kasaluku­yang nakara­tay pa sa Ospital ng Maynila.

Pinaghananap pa ang mga kasamahan ng suspek.

Show comments