Bus marshals ipakakalat din ng NCRPO

MANILA, Philippines - Magpapakalat rin ng mga operatiba o mga marshals sa mga bus ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ka­ugnay ng napipintong pag­bubukas ng klase sa Metro Manila sa darating na Hunyo.

Ito ang inihayag ni NCRPO Spokesman Supt. Rommel Miranda sa pa­nayam ng PNP Press Corps sa pagbisita nito sa Camp Crame kaugnay ng “Oplan Balik Eskwela 2010”.

Ayon kay Miranda, alin­sunod sa direktiba ni NCRPO director Roberto Rosales ay pa­lalakasin nila ang police vi­sibility sa buong Metro Manila upang bigyang proteksiyon ang mga commuters parti­kular na ang mga estudyante mula sa pagbiyahe ng mga ito patungo sa kanilang mga eskuwelahan.

Sa kabuuan ay aabot sa mahigit 8,000 pulis ang ipaka­kalat ng NCRPO sa pagba­balik eskwela ng mga estud­yante na magsi­silbi sa mga itatayong Police Assistance Desk sa university belt, mobile at foot patrol  kaugnay ng bigay-todong police visibility.

Kabilang rin sa mahigpit na babantayan ay ang MRT at LRT stations kung saan ay pinag-iingat naman ang mga estud­yante sa mga man­durukot.

Pinapayuhan rin ang mga estudyante na maging alerto sa lahat ng oras at ireport ka­agad ang kilos ng mga ka­hina-hinalang per­so­­na­lidad.

Show comments