Water contractors, pinayuhan ni SB

MANILA, Philippines - Papayag lamang si Quezon City Mayor Feli­­ciano Belmonte Jr. na magsagawa ng pag­hu­hukay ang mga water contractors sa mga bagong gawang kalsada kung kaila­ngang-kaila­ngang i-repair ang leak ng tubig sa lungsod.

Ito ang sinabi ni Belmonte sa isinagawang meeting sa pagitan ni National Security Adviser at National Disaster Coordinating Committee chair Norberto Gonzales kaugnay ng ginaga­wang programa ng city government bilang paghahanda sa inaasahang  epekto ng El Niño sa bansa.

“It is not a question about money.  It is about sharing water with everybody,” pahayag ni Belmonte.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni  Belmonte ang Manila Water at  Maynilad Water Services, Inc. na bawasan ang may 40 percent hang­gang  60% kaso ng leak ng tubig sa Que­zon City laluna sa may Cubao at Quirino dis­trict, gayun­din sa Novaliches at Common­wealth water districts.   Gayunman, binalaan ni Belmonte ang mga contractors na sundin ang kasalukuyang regu­lasyon hinggil sa paglilinis ng mga cons­truction debris kapag natapos na ang proyekto sa isang lugar. Hindi anya maganda para sa isang kon­traktor na basta na lamang iiwanan ang mga dumi pagkatapos na makumpleto ang proyekto sa isang lugar. (Angie dela Cruz)

Show comments