Manilenyo nagpiket vs Ordinance 8187

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng pagpi­piket ang Kilusang Ma­ni­leño Kontra Abuso: (MKA) sa tanggapan ng Comelec para ilahad ang kanilang suporta ukol sa petisyon ng People’s Initiative Against Ordinance 8187.

Ipinaglalaban ng MKA na mailipat ang Pandacan oil depots sa labas ng Metro Manila. Layunin ng petis­yon na ipawalang-bisa ang Ordinansa 8187 na nagpapahintulot sa mga oil depots na manatili sa Maynila na peligroso sa buhay at kabuhayan ng mga Manilenyo.

Ayon kay Kon. Ma. Lour­des “Bonjay” Isip-Gar­cia ang petisyon ng MKA ay pormal ng pinag-usa­pan ng Comelec en banc noong Martes. At anu­mang araw ay ilalabas na ang Comelec Resolution.

Show comments