MANILA, Philippines - Dahil sa paglabag sa city ordinance, makaraang umihi sa pader, nabisto tuloy ang itinatagong baril ng isang 18-anyos na lalaki kaya lalong lumaki ang kaso matapos maaresto, kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila. Kinilala ang nadakip na si Ralph John Villa, ng J. Nakpil St., Paco, Maynila. Sa ulat, dakong alas- 2:00 ng madaling-araw nang sitahin at arestuhin ang suspek sa panulukan ng J. Nakpil at A. Linao St., Paco. Natiyempuhan ang suspek ng nagpapatrulyang mga pulis ang suspect na umiihi sa pader kaya ito nilapitan para sitahin. Subalit nagtangkang tumakas ang nadakip kaya hinabol ng mga pulis at nang abutan at kapkapan ay doon nadiskubre ang dala nitong kalibre .22 magnum revolver. (Ludy Bermudo)