MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy may 50 kabahayan sa naganap na sunog sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:55 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa may Don Pepe Road, Sto. Domingo Village, Quezon City.
Napag-alaman sa arson investigator, sumabog umano ang LPG gas sa bahay ng isang Artemio Almirano at mula dito mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit bahay nito.
Umabot sa second alarm ang sunog at naapula dakong alas- 6:45 ng umaga. (Angie dela Cruz)