Mister nagbigti dahil sa sakit

“Mabuti pang mamatay na lamang,” ito ang mga ka­tagang namutawi sa isang mister bago ito nagpa­ka­matay matapos na magbigti. Sinasabing dahil sa matinding ka­ramdaman kaya ito nagpakamatay kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si   Edgardo Buluran, 47, ng Martinez St., ng lungsod. Na­tag­puan itong patay at nakabitin sa silong ng kanilang bahay. Sa pahayag ni Evangeline Manalang, 28, ng na­­sabing lugar, papunta siya sa banyo nang madaanan niya ang bik­tima na nakabigti ng nylon strap. Nabatid na kamaka­lawa ng gabi ay humingi ng pera ang biktima upang ipam­bili ng gamot sa sakit nitong tuberculosis sa kanyang anak na babae subalit natanggal sa trabaho ang huli kung kaya wala itong ibinigay. Dahil dito, bago naganap ang insi­dente, nasabi pa aniya ng biktima na mabuti pang ma­matay na lamang siya kaysa pahira­pan ng sakit hanggang sa makita na nga itong wala nang buhay. (Lordeth Bonilla)

Show comments