2 timbog sa mga pekeng LTO plates

Naaresto ng mga ele­mento ng PNP- Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang dalawang pinag­hihi­nalaang miyembro ng sin­dikatong sangkot sa pag­bebenta ng pekeng plaka ng Land Transportation Office (LTO) sa isinaga­wang operasyon sa com­pound ng nasabing ahen­sya ng pamahalaan sa Quezon City.

Kinilala ni PNP-HPG- National Capital Region Chief Sr. Supt. Dennis Siervo ang mga nasako­teng suspect na sina Ge­rardo Perez, 48, emple­yado ng Aleha Drug Test­ing and Laboratory ng Tandang Sora at Fran­cisco Arapoc, 42, isang fixer sa LTO.

Naaresto ang mga sus­pect dakong ala-1 ng hapon sa   loob mismo ng LTO compound sa Maga­lang St. sa panulukan ng East Avenue sa aktong nagbebenta ng mga pe­keng LTO license plate partikular na ang comme­morative plate No.8 na para lamang sa mga opis­yal ng gobyerno at diplo­matic plate na 74560 at PXH 310 ( For Hire ).

Sinabi ni Siervo na ang nasabing mga plaka ay ibi­nebenta ng mga suspect sa kanilang mga kostumer   mula P8,000.00 hanggang P15,000   kung saan hindi na kailangan pang pumila ang kanilang mga binibik­timang kliyente.

Kinumpirma naman ng LTO Plate Making Section na peke ang mga license plates na ibinebenta ng mga suspect na kung hindi marunong ang ti­tingin ay mapagkaka­malan tala­gang orihinal.

Kaugnay nito, nagba­bala naman si PNP-HPG Chief Director Perfecto Palad sa mga sibilyan na huwag bumili ng mga li­cense plates sa mga fixers dahilan malamang na ma­liban sa peke na ang mabili ng mga ito ay ma­ harap pa sa kaukulang kasong kri­minal. (Joy Cantos at Angie dela Cruz)

Show comments