Agad na nasawi ang isang negosyante makaraang mabangga ng isang rumaragasang pick-up van habang tumatawid siya sa Congressional Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot nang buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Martin Cacho, 39 anyos, may-asawa, at naninirahan sa Barangay Bahay Toro ng naturang lungsod.
Kusang-loob namang sumuko sa Quezon City District Traffic Enforcement Office-Sector 6 ang nakabundol na si Owen Joaquin, 24-anyos, driver ng Isuzu pick-up van. (Danilo Garcia)