Riding-in-tandem sumalakay

Isang malawakang ope­­rasyon ngayon ang ini­­­ lunsad ng awtoridad laban sa mga miyembro ng sin­dikatong “riding-in-tan­dem” nang muling su­ma­lakay ang mga ito at hol­­dapin ang payroll money ng isang kom­panya kung saan nagpa­ulan pa ang mga ito ng bala ng baril na ikinasugat naman ng da­lawa katao, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, tukoy na nila ang pagkaka­kilan­lan ng mga suspect na uma­no’y nagtatago ­sa isang lugar sa Cavite.  Da­lawa umano sa tat­long sus­pect ay kinilala ka­­ha­pon ng mga naka­saksi sa photo gallery ng Pasay City Police Crimi­nal Inves­tigation Division (CID). Tu­manggi muna ang pu­lisya na panga­lanan ang dala­wang sus­pect habang nagsasa­gawa pa umano sila ng man­hunt operation sa iti­nu­turong safehouse ng sindikato sa Cavite.

Batay sa imbesti­gas­yon, dakong alas-2:15 ng hapon, ang mga bikti­mang sina Mervin Leo Fernan­dez, 36, manager at Bella Landig, 33, sec­retary, kap­wa ng Norton Block Enter­prises na may tanggapan sa 2135 Park Avenue Man­­­sion, Park Ave., Pa­say City ay unang nag-with­­draw ng P195,000 at $5,000 sa Metro Bank sa EDSA/Ma­capagal Ave., Blue Wave, Pasay City.

Paglabas umano ng banko ay agad na suma­kay ang mga biktima sa itim na Nissan Sentra, may plakang ZLS-770 pa­punta sa kanilang opi­sina at hindi namalayan na na­sundan sila ng tat­long ar­ma­dong lalaki na naka­sakay sa isang pulang Ka­wasaki 125 (OY 8553).

Pagsapit sa kanto ng Ignacio at F.B. Harrison Sts., hinarangan ng mga suspect ang kanilang da­raanan at dalawa rito ang pumuwesto sa magka­bi­lang gilid ng kotse at pi­naputukan ang mga bik­tima sa loob ng sasakyan.

Sa insidente, nadapli­san ng bala sa noo ang sek­retarya, samantalang tinamaan naman si Fer­nandez sa kanang hita.

Sina­man­tala ng mga suspect ang pagkaka­taon at na­agaw sa sek­re­tarya ang bag na kinala­lagyan ng sa­lapi saka mabilis na nag­si­takas. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments