Umawat, tinodas

Namatay si Jhonny Sevilla, 24, nang saksakin siya habang umaawat sa nag-aaway na mga nag-iinuman niyang mga kapitbahay sa Bagong Barrio, Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Nadakip naman ang isa sa mga suspek na si Aladin Fundales, 21. (Lordeth Bonilla)

Tiklo sa sigaw

Isang hinihinalang holdaper na si Michael Morales, 29, ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau dahil sa sigaw ng isa niyang biktimang si Devi Chan, 58, sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi. Hinablot umano ni Morales ang hikaw ni Chan habang lulan sila ng isang pampasaherong jeepney na biyaheng Divisoria bago bumaba at tumakas. Nagsi­sigaw ang biktima kaya natawag ang pansin ng mga miyembro ng MTB hanggang sa habulin at madakip ang suspek. (Gemma Amargo-Garcia)

Inararo ng dump truck

Isang 37 anyos na empleyado ng isang sangay ng Mercury Drug ang namatay nang araruhin ng isang dump truck ang kanyang minamanehong motorsiklo kahapon  ng umaga  sa  Quezon  City. Nakilala ang biktimang si Hermingildo   Guimuk na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahilan ng maaga nitong kamatayan. Agad namang   sumuko  sa Traffic  sector  2  ng Quezon City  District Traffic Enforcement  Unit ang suspek na si Greg Padonio, 29,  driver  ng dump  truck na may plakang PTF-689. (Angie dela Cruz)

Show comments