Traffic Enforcer binundol

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang traffic enforcer makaraang bundulin ng isang rumaragasang sasakyan kahapon ng umaga sa South Luzon Expressway sa Muntinlupa City.

Basag ang bungo at bali-bali ang buto ni Jose Quio Galvez, nasa hustong gulang at miyembro ng Traffic Motorcycle Unit-South Luzon Expressway Traffic Management Group. Nalagutan siya ng hininga habang isinusugod sa Asian Hospital ng mga nakasaksi sa insidente.

Sinasabi sa ulat na abalang nag-aayos ng daloy ng trapiko ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang rumaragasang Toyota Revo na may plakang UWW-320 at minamaneho ni Jeffrey Gonzales ng San Jose Del Monte, Bulacan at nahagip ang una na tumilapon naman sa kabilang kalye. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments