Kinilala ang suspect na si Darius dela Vega, school service helper at residente sa 2555 Sitio Mataric, Camarin sa lungsod.
Ayon kay SPO4 Marilou Rheberg ng Women, Children and Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police North-Extension, si Dela Vega ay inireklamo ng pang-aabuso ng mga magulang ng batang itinago sa pangalang Marie ng BLock 15, Lot 15, Castle Springs Heights, Zabarte Road, sa lungsod.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang insidente noong Huwebes ng umaga sa loob mismo ng school service na naghahatid sa biktima sa pinapasukan nitong paaralan.
Sinasabing nag-iisa na ang biktima sa bus nang nilapitan umano ito ng suspect saka sinimulang paghahawakan ang maselang parte ng katawan ng una. Hindi pa nasiyahan ang suspect, pilit umano nitong pinahawak ang kanyang ari sa biktima hanggang sa makuntento ito.
Hindi naman daw nagawang maipagtapat ng biktima ang pangyayari subalit dahil sa naging malungkutin ito ay nagtaka ang kanyang ina hanggang sa tanungin ito at sabihin ang pangyayari.
Dahil dito, agad na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang mga magulang kung saan sa pamamagitan ng Special Weapon and Tactics ng Task Force North ay agad na naaresto ang suspect.
Kasong acts of lascivious in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse ang kinakaharap ngayon ng suspect. (Ricky T. Tulipat)