^

Metro

Probe sa 5 QC police sabit sa droga, pinauubaya na sa RIID

-
Pinauubaya na lamang ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula sa National Capital Regional Police Office -Regional Investigation and Intelligence Division ang imbestigasyon at pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa limang pulis Quezon City na nadakip sa isang buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Ayon kay Gatdula, hindi maaaring kunsintihin ang sinumang pulis na lumabag sa batas kung kaya’t "hands off" sila sa imbestigasyon ng NCRPO laban kina SPO2 Rodolfo Estores, PO2’s Cyril Digusen, Darwin Salvador, Jay Calderon, at PO1 Rolando Isidro, pawang nakatalaga sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi ni Gatdula na nagtataka lamang siya kung bakit nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang mga limang pulis samantalang ang mga ito ay pawang nakatalaga sa CID.

Aniya, may prosesong sinusunod sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation kung saan kailangan na munang maging miyembro ng District Anti-Illegal Drugs ang isang pulis at saka magkakaroon ng koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Matatandaan na umaabot sa P4.6 milyon ang nakuha ng mga awtoridad mula sa mga pulis at ex policeman na si Elmer Ramos, at dalawang sibilyan na sina Darwin Mijares at Marcelo Montero sa isang fast food chain sa Philcoa. (Doris Franche)

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CYRIL DIGUSEN

DARWIN MIJARES

DARWIN SALVADOR

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELMER RAMOS

GATDULA

JAY CALDERON

MAGTANGGOL GATDULA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with